Читать книгу: «Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani », страница 16

Шрифт:

Tumingin ai Thor sa kanyang paa at kanyang nakita ang puting ahas sa kanyang paanan. Nakatayo siya doon, walang magawa, habang gumagapang ang ahas sa kanyang hiya, sa kanyang baywang at sa kanyang mga braso. Nakaramdam siya ng hirap sa paghinga, unti unting nawawala ang kanyang buhay, habang nakapulupot ang ahas sa kanyang katawan at nakatitig sa kanyang mukha, ang dila ng ahas na bahagya nang dumampi sa kanyang pisngi. At bigla nitong ibinuka ang ang kanyamg bunganga, lumabas ang matatalim na pangil at isinubo ang mukha ni Thor.

Napasigaw si Thor hanggang sa makita niya ang kanyang sarili, magisa, sa loob ng kastilyo. Walang sino mang tao ang naririto, wala na ang trono na dating naroroon. Nakalatag sa sahig ang Espada ng Tadhana. Basag ang lahat ng bintana, at nakakalat ang mga bubog sa sahig. Bigla siyang nakarinig ng tunog, sinundan niya ito, at binuksan ang bawat silid. Hanggang sa marating niya ang isang malaking pintuan, isang daang talampakan ang taas at binuksan niya ito ng buong lakas.

Nakatayo si Thor sa pintuan ng hapagkainan. Sa harap njya ay may dalawang mahabang lamesa na napupuno ng mga pagkain, ngunit walang mga tao. Sa kabilang dulo ng silid ay isang lalaki. Si Haring MacGil. Nakaupo ito sa kanyang trono at nakatitig kay Thor. Parang ang layo layo nito.

Sinimulan ni Thor na maglakad palapit sa kanya, sa pagitan ng dalawang hapag kainan. Sa kanyang paglalakad, bawat pagkain na kanyang madaanan ay nasisira at nabubulok, nangingitim at nilalangaw. Nagsiliparan ang mga langaw sa paligid niya.

Binilisan ni Thor ang paglalakad. Papalapit na siya sa hari, mahigit 10 talampakan na lamang ang layo, nang biglang isang kawal ang dumating, na may dalang isang baso ng alak. Isa itong baso na yari sa ginto ay napapalibutan ng mga dyamante. Habang hindi nakatingin ang hari, napansin ni Thor na may inilagay na puting gamot ang kawal sa alak. Napagtanto niya na lason iyon.

Lumapit ang kawal at iniabot ang baso sa hari. Kinuha niya ito gamit ang dalawang kamay.

"Huwag!" Sigaw ni Thor

Tumakbo si Thornat sinubukang tabigin ang baso palayo sa hari.

Ngunit hindi siya naging mabilis. Ininom ni MacGil ang alak, at tumulo ito sa kanyang pisngi hanggang sa kanyang dib dib.

Tumingin ang hari kay Thor at nanlaki bigla ang mga mata nito. Napahawak siya sa kanyang lalamunan at animoy may sumasakal sa kanya. Napaluhod ito at bumagsak sa kanyang kinauupuan. Bumagsak siya patagilid sa matigas at malamig na sahig. Nalaglag at gumulong ang kanyang korona palayo.

Nakahiga ito doon, hindi gumagalaw, nakabukas ang mga mata, patay na.

Dumating si Estopheles at pumatong sa ulo ni MacGil. Tumingin ito kay Thor at humuni ng malakas. Ang tunog na nagpanginig sa buo niyang katawan.

"Hindi.!" Ang sigaw ni Thor

*

Nagising si Thor na sumisigaw.

Umupo siya, at tumingin sa paligid, pinagpapawisan, mabilis ang paghinga at iniisip kung nasaan siya. Nakahiga pa rin siya sa lupa, sa bundok ni Argon. Nakatulog siya doon. Wala na ang makapal na usok at sa kanyang pagtingin nakita niya na paumaga na. Unti unti nang sumisikat ang araw, at nililiwanagan ang paligid. Sa kanyang tabi ay si Krohn, humihikab at saka tumalon sa kanyang hita at dinilaan ang kanyang pisngi.

Niyakap ni Thor si Krohn ng mahigpit habang iniisip kung siya ay gising o natutulog pa. Natagalan bago niya napagtanto ba isa lamang iyong panaginip. Parang totoo ang lahat.

Nakarinig ng huni si Thor at kanyang nakita si Estopheles na nakatig sa isang bato, isang talampakan ang layo sa kanya. Tumingin ang ibon sa kanyan at humuni ng humuni.

Kinilabutan si Thor sa tunog ng kanyang huni. Iyon ang huni na kanynag narinig sa kanyang panaginil, at sa oras na iyon, nalaman niya na ang panaginip ay isang mensahe.

Ang hari ay lalasunin.

Agad tumayo si Thor at sa pagsikat ng araw, tumakbo siya pababa ng bundok, patungo sa korte ng hari. Kailangan niyang makarating sa hari. Kailangan niya itong balaan. Marahil ay iisipin ng hari na siya ay nababaliw, ngunit wala siyang ibang magagawa-gagawin niya ang lahat para maligtas ang buhay ng hari.

*

Nagtatakbo si Thor papasok ng lagusan ng kastilyo at mabuti na lamanng at nakilala agad siya ng dalawang kawal. Pinadaan agad siya ng mga ito ng walang tigil at patuloy na tumakbo si Thor.

Sa kanyangg pagliko papunta sa pangunahing daan papasok ng kastilyo, apat na kawal ang pumigil sa kanya.

Tumigil si Thor na hinihingal.

"Anong pakay mo bata?" Sabi ng isa dito.

"Hindi ninyo maintindihan, kailangan kong makapasok" sabi ni Thor. "Kailangan kong makita ang hari"

Nagtinginan ang mga kawal.

"Ako si Thorgrin, ng Legion. Kailangan ninyo akong papasukin."

"Kilala ko kung sino siya." Ang sigaw ng isa. "Isa siya sa atin"

Ngunit humakbang pauna ang pinunong kawal.

"Ano ang kailangan mo sa hari?" Pagdidiin nito.

"Importante bagay. Kailangan ko siyang makita."

"Kung gayon, marahil ay hindi ka niya inaasahan, dahil hindi ka nasabihan. Wala ang hari dito. Umalis siya kanina para sa ilang gawain. Hindi pa siya makakabalik hanggang mamayang gabi. Para sa oras ng handaan.

"Handaan?" Ang tanong ni Thor habang inaalala ang panaginip na napupuni ng mga pagkain sa hapag kainan. Nararamdaman niya itong unti unting nagkakatotoo.

"Oo. Kung isa ka sa Legion, siguradong naroroon ka. Ngunit wala na siya ngayon. At walang paraan para makita mo siya. Bumalik ka na lang mamaya."

"Pero kailangan kong mabigay ang aking mensahe!" Pagpupumilit ni Thor. "Bago ang handaan."

"Pwede mo sa aking ipaabot ang mensahe pero hindi ko din iyon maibibigay ng mas maaga sa iyo."

Hindi maaaring iwan ni Thor ang mensahe sa isang kawal;naisip niya na kahibangan iyon. Kailangan niya itong ibigay ng personal, ngayong gabi, bago ang handaan. Umaasa na lamang siya na hindi pa huli ang lahat.

IKADALAWAMPUT PITONG KABANATA

Agad nakabalik si Thor sa kuluseyo bago pa man tuluyang sumikat ang araw, at buti na lamang ay nakarating siya bago pa magsimula ang pagsasanay sa araw na ito. Hingal na hingal siyang dumating, si Krohn sa kaniyang tabi, sa kinaroroonan ng kanyang kasama na nagsisimula ng maghanda para sa kanilang gawain sa araw na ito. Nakatayo sila doon; punong puno ng pagaalala. Hindi niya alam kung paano niya malalampasan ang araw na ito ng pagsasanay; bibilangin niya ang bawat minuto bago ang handaan sa gabi, hanggang mabalaan na niya ang hari. Sigurado siya na nagpakita sa kanya ang pangitain upang siya ang magdala ng mensahe. Sa kanya nakasalalay ang buong kaharian.

Nagtatakbo si Thor patungo kina Reece at O'conner habang naglalakad ang mga ito papunta sa sanayan, pagod na pagod, at nagsimulang luminya.

"Nasaan ka kagabi." Tanong ni Reece

Sana ay alam ni Reece kung paano sasagot-ngunit hindi rin niya alam kung saan siya naggaling. Ano ang dapat niyang sabihin? Na nakatulog siya sa labas, sa bunsok ni Argon? Walang katuturan ang naiisip niya.

"Hindi ko alam " sagot ni Thor, hindi malaman kung gaano kadami ang sasabihin niya sa kanila.

"Anong ibig mong sabihin na hindi mo alam?" Tanong ni O'conner

"Naligaw ako." Sabi ni Thor

"Naligaw?"

"Mabuti naman at nakabalik ka kaagad ngayon," ang sabi ni Reece

"Kung huli kang nakabalik para sa pagsasanay ngayon, baka hindi ka na nila pabalikin sa Legion," dagdag ni Elden, habang papalapit ito sa kanya.

Nagugulat pa din si Thor sa pagbabago ng pakikitungo sa kanya ni Elden simula noong nakabalik sila mula sa kabilang bahagi ng sanggalang.

"Anong nangyari sa inyo ng kapatid ko?" Tanong ni Reece

Namula si Thor at hindi sigurado kung paano sasagot.

"Nakita mo ba siya?" Dag dag ni Reece

"Oo." Pagsisimula niya. "Masaya ang naging pagkikita namin. Pero kinailangan naming umalis kaagad."

Habang nakahanay siya sa harapan nina Kolk at ng ilan pang mga tauhan:

"Makikita mo ulit siya mamayang gabi. Isuot mo na ang pinakamaayos mong damit."

Umikot ang pakiramdam ni Thor. Naalala niya ang panaginip at pakiramdam niya pinaglalaruan siya ng tadhana at wala siyang magawa. Nakatakda siyang walang gawin at manuod lamang sa mga mangyayari.

"Tahimik!" Ang sigaw ni Kolk

Nanigas si Thor kasama ng iba at tumahimik ang paligid.

Dahan dahang naglakad si Kolk habang pinagmamasdan ang mga kalalakihan.

"Nagsaya na kayo kahapon. Ngayon ay balik na sa pagsasanay. At ngayon ay matututunan ninyo ang tamang pagbubungkal."

Nagkaroon ng kumosyon sa paligid.

" TAHIMIK!" sigaw niya.

Tumahimik ang lahat.

"Ang ditch digging ang kinakailangan ng tiyaga." Pagpapatuloy ni Kolk. "At importante din ito. Balang araw ay mapupunta kayo sa kabihasnan, pinoprotektahan ang kaharian, at walang tutulong sa inyo. Manginginig kayo sa lamig, lamig na hindi ninyo mararamdaman ang inyong mga paa, sa madilim na gbai at gagawin ninyo ang lahat upang mainitan. O kaya ay mapupunta kayo sa digmaan, kung saan kailangan ninyong sanggahan ang inyong sarili mula sa mga sandata ng kalaban. Maraming rason kung bakit kakailanganin ninyo ng hukay. At iyon ang magiging kaibigan ninyo."

"Ngayon" pagpapatuloy nito. "Buong araw kayong maghuhukay hanggang sa mamula at mapuno ng kalyo ang inyo g mga kamay, manakit ang inyong mga likot, hanggang sa hindi na ninyo kaya. At sa araw ng digmaan, hindi na kayo mapapagod."

"Sundan niyo ako." Sigaw ni Kolk

Nagkaroon ng panghihinayang sa paligid habang papalapit sila sa kay Kolk at nagsimulang humanay.

"Magaling" sabi ni Elden. "Pagbubungkal, ang pinakagusto kong ang gawin"

"Ang mas masama pa dito, baka umulan pa" dagdag ni O'conner

Tumingin silang lahat sa langit at nakita ang dumidilim na ulap.

"Baka nga" sabi ni Reece

"THOR!" Sigaw ng isang boses.

Lumingon si Thor at nakita si Kolk na nakatingin sa kanya. Tumakbo ito sa kanya at napaisip kung ano ang kanyang ginawang masama.

"Bakit po?"

"Pinapatawag ka ng mandirigma mo." Ang sabi niya. "Puntahan mo si Erec sa kastilyo. Maswerte ka at nakaligtas ka sa pagsasanay ngayon. Pagsisilbihan mo ang mandirgma mo sa araw na ito tulad ng isang mabuting kinatawan. Ngunit huwag mong iisipin na nakaligtas ka sa paghuhukay. Bukas na bukas au maghuhukay ka magisa. Humayo ka na" sigaw ni Kolk

Tumalikod si Thor at nakita ang inggit sa mga mata ng kanyang mga kasama, pagkatapos ay tumakbo ito papunta sa kastilyo. Ano kaya ang kailangan ni Erec sa kaniya? May kinalaman ba iyo sa hari?

*

Tumakbo si Thor sa korte ng hari, pababa sa isang daan na noon pa lamang niya nadaanan, papunta sa lugar ng mga Silver. Mas malaki ang kanilang lugar kumpara sa kanila at ang daanan ay yari sa bato. Dumaan si Thor sa malaking lagusan na binabantayan ng mga tauhan na nagbabantay. Lumawak ang daanan,papunta sa isang malaking koluseyo at hilera ng mga gusali na yari din sa bato na binabantayan din ng mas madami pang kawal

Nagpatuloy na naglakad si Thor patungo sa koluseyo. Nakahanda na ang mga kawal sa kanyang pagdting kahit na malayo pa lamang siya, humakbang sila pauna, patuloy na nakatingin sa kanya.

"Anong kailangan mo dito?" Tanong ng isa sa mga ito.

"Nandito po ako para sa isang tungkulin." Sagot ni Thor. "Kinatawan ako ni Erec."

Nagkatinginan ang mga kawal ngunit isa sa mga ito ang humakbang at tumango. Nagbigay daan sila at nagsimulang bumukas ang malaking pintuan, na dalawang talampakan ang kapal. Naisip ni Thor na mas gwardayo pa ang lugar na ito kaysa sa kastilyo.

"Sa pangalawang gusali sa kanan." Sigaw ng kawal. "Makikita mo siya doon."

Nagsimulang maglakad si Thor, sa gitna ng kuseyo, nilampasan ang isang batong gusali habang inaalala ang mga sinabi ng kawal. Lahat dito ay nasa ayos at malinis. Ang buong lugar ay pinapalibutan ng malakas na pakiramdam.

Nakita ni Thor ang gusali na kanyang hinahanap at namangha sa kanyang mga nakita: dose dosenang mga naglalakihan at mga naggagandahang mga kabayo ay nakatali sa harapan ng gusali. Lahat ng naririto ay mas malalaki at mas magagarbo.

Naglalakad ang mga tunay na mandirigma sa bawat direksyon, nakasuot ng mga ibat ibang sandata. Matao ang lugar na ito at pakiramdam ni Thor ay nasa isang digmaan siya. Ang lugar na ito ay hindi para sa pagsasanay, para ito sa digmaan. Buhay at kamatayan.

Dumaan si Thor sa isang maliit na lagusan, pababa sa isang madilim na daanan, habang hinahanap si Erec. Narating ni Thor ang dulo ng daan ngunit hindi niya ito makita.

"Hinhanap mo si Erec, tama?" Sabi ng isang kawal

Lumingon si Thor at tumungo.

"Opo. Ako po ang kinatawan niya."

"Nahuli ka na. Nasa labas na siya, at inihahanda ang kabayo niya. Dalian mo na."

Tumakbo si Thor palabas ng gusali. Nandoon sa labas si Erec, nakatindig sa tabi ng malaki at magiting at itim na kabayo na may puting ilong. Pumihit ang kabayo ng makita si Thor at lumingon si Erec.

"Patawad po." Ang hingal na sabi ni Thor. "Pumunta po ako sa bilis ng makakaya ko. Hindi ko po sinadya na mahuli."

"Nasa tamang oras ka lamang." Nakangiting sabi ni Erec "Thor. Si Lannin." Dagdag nito habang hinahaplos ang kabayo.

Nagpapadyak ang kabayo, bilang sagot. Humakbang si Thor at iniabot ang kanyang kamay upang haplusin ang ilong nito.

"Siya ang aking kabayo sa Pakikipagsapalaran. Ang isang mandirigma ay madaming kabayo t matutununan mo din iyon. May isa para sa mga paligsahan, isa para sa digmaan at isa para sa mga mahabaang Pakikipagsapalaran at ang kabayong iyon ang mas makakasundo mo. Gusto ka niya. Mabuti iyon."

Lumapit si Lannin at inilapit ang kanyang ilong sa mga palad ni Thor. Namangha si Thor sa ganda ng nilalang na ito. Nakita siya ng katalinuhan sa mga mata nito. Pakiramdam niya ay naiintindihan ng kabayo ang lahat.

Ngunit isa mga sinabi ni Erec ang ikinagulat ni Thor.

"Pakikipagsapalaran po ba ang sabi mo?" Ang tanong ni Thor

Napatigil si Erec sa kanyang paghihigpit ng tali, at napatingin kay Thor

"Ngayon ay aking kaarawan. Narating ko na ang aking ikadalawamput limang taon. Ito ay isang espesyal na araw. Alam mo ba ang Araw ng Pagpili?"

Umiling si Thor. "Konti lamang po. May mga narinig lamang ako sa iba."

"Ang mga mandirigma ng kaharian ay kailangang magpatuloy, hanggang sa mga susunod na henerasyon," ang sabi ni Erec. "Mayroon kaming hanggang ikadalawamput limang taon upang mamili ng aming pakakasalan. Kung wala pang mapili sa araw na iyon, sinasabi ng batas na kailangan na nating maghanap. Bibigyan kami ng isang taon upang maghanap at bumalim kasama ang napili. Kung bumalik na walang kasama, ang hari ang siyang magbibigay at pipili at mawawala na ang karapatan nating pumili."

"Kaya ngayon, kailangan kong maglakbay para hanapin ang mapapangasawa ko."

Tumitig lamang sa kanya si Thor.

"Pero, aalis ka? Sa loob ng isang taon?"

Bumagsak ang bituka ni Thor habang iniisip ito. Nararamdaman niya ang pagbagsak ng kanyang paligid. Ngayon niya lamang napagtanto kung gaano naging kaimportante sa kanya si Erec; naging parang ama na niya ito-higit na mas naging ama siya sa kanya kaysa sa tunay nitong ama.

"Ngunit, sino na ang kakatawanin ko?" Tanong ni Thor. "At saan ka pupunta?"

Naalala ni Thor kung ilang beses siyang pinagtanggol ni Erec, kung paano nito sinagip ang buhay niya. Lumubog ang pusl niya na isipin na aalis si Erec.

Tumawa si Erec.

"Anong tanong ang una kong sasagutin?" Sabj nito. "Huwag kang magalala. Nailipat ka na sa ibang mandirgma. Ikaw ang magiging kinatawan niya hanggang sa aking pagbabalik. Si Kendrick, ang panganay na anak ng hari."

Muling nabuhayan si Thor sa narinig; nakaramdam siya ng parehong koneksyon kay Kendrick na siyang unang tumingin sa kanya at sinigurado na may puwang siya sa Legion.

"Tungkol sa aking Pakikipagsapalaran,.." Pagpapatuloy ni Erec. "Hindi ko pa alam. Ang alam ko lamang ay pupunta ako sa timog, papunta sa kaharian na aking kinalakihan at maghanap ng mapapangasawa sa lugar na iyon. Kung hindi man ako makahanap sa loob ng kaharian, baka tumawid ako ng daat papunta sa sarili kong kaharian at doon maghanap."

"Sarili mong kaharian?" Tanong ni Thor

Napagtanto ni Thor na wala pa siyang nalalaman tungkol kay Erec, kung saan siya nagmula. Inakala niya na nagmula lamang ito sa loob ng kaharian.

Ngumiti si Erec. "Oo, malayo dito. Tatawid pa ng dagat. Ngunit sa ibang pagkakataon ko na iyon sasabihin sa iyo. Isa itong magiging mahaba at matagal na Pakikipagsapalaran. Kailangan ko nang maghanda. Kaya tulungan mo na ako. Maikli lamang ang oras. Talian mo ang kabayo at lagyan mo ng mga sandata"

Umiikot ang ulo ni Thor habang sinusunod ang sinabi ni Erec, tumakbo sa silid ng mga armas ng mga kabayo at kinuha ang isang itim na armas na para kay Lannin. Pabalik balik habang isa isang kinukuha ang mva kailangan.

Nagpapadyak si Lannin habang ginagawa ito ni Thor, ngunit mukhang nagustuhan niya din ito. Isa siyang magiting na kabayo, isang mandirgma. Napansin ito ni Thor na animoy kumportable ito na nakasuot ng mga armas.

"Anong sandata ang kakailanganin mo?" Tanong ni Thor

Napatingin si Erec.

"Mahirap isipin kung anong klaseng digmaan ang kakaharapin ko sa loob ng isang taon. Ngunit kailangan kong mangaso at kailangan kong maipagtanggol ang sarili ko. Kailangan ko ang aking mahabang espada. Maging ang aking maikling espada, pana, isang maikling sibat, patalim at sanggalang. Tingin ko ay sapat na iyon"

"Opo.",sabi ni Thor at aad kumilos. Pumunta siya sa lalagyanan ni Erec ng mga sandata, sa tabi ng kwadra ni Lannin at kanyang nakita ang dose dosenang sandata. Maraming pagpipilian.

Dahan dahan niya kinuha ang mga sandata na pinili ni Erec at isa isa niya iniabot kay Erec o kaya'y ilagay ito sa likod ng kabayo.

Habang naghahandang nang umalis si Erec, hindi matiis ni Thor na panuorin lamang siyang umalis.

"Sa tingin ko ay kasama sa aking trababo na samahan sa iyong Pakikipagsapalaran?" Ang sabi ni Thor. "Ako ang iyong kinatawan."

Umiling si Erec.

"Isa itong Pakikipagsapalaran na kailangan kong mgisa."

"Kung gayon ay maari na lamang ba kitang samahan hanggang sa unang likuan? " pagpupumilit ni Thor. "Kung papunta ka sa timog, iyon ang mga daan na kabisadong kabisado ka. Galing ako sa timog."

Napatigil si Erec at napaisip.

"Kung nais mo akong samahan hanggang sa unang likuan, wala akong nakikitang masama doon. Pero isa iyong malayong lakbayin. Kaya kailangan na nating umalis ngayon. Kunin mo ang kabayo ko para sa mga kinatawan. Nasa dulo ng mga kwadra. Yung kulay lupa na may pulang buntot."

Agad tumkbo si Tbor at kinuha ang kabayo. Sa kanyang pagsakay, lumabas si Krohn mula sa kanyang damit, lumingon at umungol.

"Ayos lamang ito Krohn" sabi ni Thor.

Nagsimulang lumakad ang kabayo, palabas ng kwadra. Hindi na siya hinintay ni Erec na makahabol nang bigla itong tumakbo ng bilis. Sinundan ni Thor si Erec sa bilis na kanyang makakaya.

Sabay silang lumabas sa korte ng hari, sa mga lagusan, habang ilang mga kawal ang nagsitabi. Ilang miyembro ng Silver ang nakahanay, nanonood at naghihintay. Itinaas nila ang kanilang kamay bilang pagsaludo kay Erec.

Tumaas ang pakiramdam ni Thor sa kanyang sarili habang nasa tabi ni Erec, ang maging kinatawan niya at masaya siya na samahan ito, kahit sa unang likuan lamang.

Marami pang sasabihin si Thor kay Erec, madami pa siyang gustong itanong at madami rin siyang gustong ipagpasalamat sa kanya. Ngunit wala silang oras habang sabay silang mabilis na binabagtas ang daan patimog, limiliko sa mga bawat kanto. Sa kanilang paglampas sa isang burol, nakikita ni Thor ang mga miyembro ng Legion na nagbubungkal. Masaya si Thor na hindi siya nakasama dito. Habang nakatingin si Thor, nakita niya ang isang lalaki na itinaas ang kamao sa hangin papunta sa kanya. Mahirao makikita dahil sa raw, ngunit siguradk siya na ang lalaki ay si Reece na sumasaludo. Sumaludo din si Thor bago umalis.

Pagkatapos ng maayos na daanan, nagsimula ang mga mababatong daan palabas ng siyudad: mas makitid, mas mabato at mas mahiral daanan. Alam ni Thor na delikado para sa isang ordinaryong tao ang dumaan dito-lalo na sa gabi, sa dami ng mga magnanakaw na nagtatago, ngunit hindi nagaalala dito si Thor, lalo na at kasama niya si Erec- sumakatuwid, kung isang magnanakaw man ang dumating, mas natatakot siya para sa buhay nito. Siyempre, isang kahibangan para sa isang magnanakaw ang kalabanin ang isang Silver.

Naglakbay sila buong araw, bahagya nang tumigil para magpahinga, hanggang sa makaramdam na ng pagod si Thor, at maubusan na ng hininga. Hindi siya makapaniwala sa lakas ni Erec, kaya hindi niya hinayaan na makita nito ang pagod niya, ang makita bilang mahina.

Dumaan sila sa isang malaking kanto at nakilala ito ni Thor. Alam niya na kung dadaan sila dito, mapupunta sila sa nayon niya. Makailang sandali ay nakaramdam ng pagkahilo si Thor, may bahagi niya ang gustong dumaan dito, ang makita ang ama, ang kanilang nayon. Iniisip niya kung ano ang ginagawa ng kanyang ama, sino ang nagaalaga ng mga tipa, kung gaano ito kagalit sa kanya ng hindi na siya bumalik. Hindi sa may pakialam siya. Hinahanap lang niya ang mga bagay na pamilya sa kanya. Sumakatuwid ay gumaan ang kaniyang pakiramdam na nakatakas siya sa nayon na iyon at isang bahagi niya ang ayaw nang bumalim pa doon kailanman.

Nagpatuloy lamang sila sa Pakikipagsapalaran, palayo ng palayo sa timog papunta sa mga lugar na kahit si Thor ay hindi alam. Narinig na niya ang timog likuan ngunit wala siyang dahilan upang pumunta dito. Isa ito sa tatlong pangunahing likuan patungo sa dulo ng sanggalang. Tumagal ng kalahating araw ang kaniyang Pakikipagsapalaran palayo ng korte ng hari, at tumitirik na ang araw. Si Thor na pinagpapawisan na ay nagsimulang magisip kung makakabalik ba siya sa kaharian para sa oras ng handaan. Nagkamali ba siya sa pagsama kay Erec?

Umikot sila sa tuktok ng isang burol at sa wakas ay nakita ito ni Thor: ang palantandaan ng unang likuan. Namamarkahan nito ng isang mataas at payat na gusali, at binabantayan ito ng mga miyembro ng Silver. Nang makita si Erec, ang kawal sa itaas ay hinipan ang trumpeta. Dahan dahang bumukas ang lagusan.

Sila ay iilang yarda na lamang ang layo mula dito kaya nagsimula na lamang maglakad ang kabayo ni Thor. Biglang pumilipit ang bituka ni Thor ng kanyang mapagtanto na iilang minuto na lamang sila magkakasama ni Erec hanggang sa magkita mula sila sa di malamang panahon. Wala ring makakapagsabi kung babalik pa siya. Matagal ang isang taon, at madaming maaring mangyari. Masaya na rin si Thor na nagkaroon siya ng pagkakataon na samahan siya. Pakiramdam niya ay nagawa niya ang kanyang tungkulin.

Naglakad ang dalawa sa tabi ng isat isa. Humihinga ng mabilis ang mga kabayo, maging sila habang palapit sa gusali.

"Hindi na kita muna makikita ng madaming buwan." Sabi ni Erec. "Bilang kapalit, magdadala ako ng mapapangasawa. Maaaring may magbago. Pero kahit anong mangyari, lagi mo tatandaan na ikaw lagi ang aking magiging kinatawan."

Huminga ng malalim si Erec.

"Bago ako umalis, marami akong bagay na gustong ipatanda sa iyo. Ang isang mandirgma ay hindi nasusukat sa lakas kung hindi sa kaalaman. Ang tapang ay hindi sapat, sa halip ay kailangang may tapang, paninindigan at kaalaman. Lahat ng iyon. Kailangan mong kumilosnpara iperpekto ang sarili mo, ang isipan mo. Kailangan mong kumilos na maging mas magaling bawat araw."

"Sa bawat buwan, matututunan mo ang ibat ibat sandata. Ibat ibang mga kakayahan. Pero tandaan mo: mayroon oang isang dimensyon sa pakikipaglaban. Ang dimensyon ng salamangka. Hanapin mo si Argon. Aralin mong palakasin ang natatago mong lakas. Nararamdaman ko ito sa iyo. May malaki kang potensyal. Hindi mo ito dapat ikahiya. Naiintindihan mo ba?"

"Opo",sagot ni Thor, na napupuno ng pasasalamat sa kaalaman at pagunawa.

"Pinili kita na maging kinatawan dahil sa isang rason. Hindi ka katulad ng iba. Mayroon kang mag magiting na tadhana. Mas magiting, kahit sa akin. Ngunit hindi pa ito natutupad. Huwag mo itong babalewalain. Aralin mo. Para maging mahusay na mandirgma, hindi ka lamang dalat maging matapang at marunong. Kailangan mo ding magkaroon ng katangian ng isang mandirigma at dalhin mo palagi ito sa iyong puso at isipan. Kailangan mong maging handa na ibuwis ang iyong buhay para sa iba. Ang magiting na mandirgma ay hindi naghahangad ng kayamanan o katanyagan. Ang magiting na mandirgma ay tinatanggap ang pinakamahihirap na tungkulin: tungkulin na magpapabuti pa sa iyo. Araw araw, hahangarin mong mas maging magaling. Hindi lamang mas magaling sa iba-ngunit mas magaling sa iyong sarili. Kailangan mong hanalin ang dahilan ng iyong kahinaan. Kailangan mong ipagtanggol ang mga hindi kayang ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Hindi ito para sa mahihina ang loob. Para ito sa ma bayani."

Umikot ang isip ni Thor habang iniintindi ang bawat salita ni Erec. Napuouno siya ng pasasalamat at hindi niya alam kung paano ito sasagutin. Napagtanto niya na kailangan ng mahabang panahon upang makuha niya lahat ng iyon.

Narating nila ang pasukan ng unang likuan at ilang miyembro ng Silver ang lumapit uoang batiin si Erec. Malalaki ang mga ngiti sa kanilang mga mukha at sa pagbaba nito sa kabayo, tinapik nila sa likod si Erec na parang isang lumang kaibigan.

Bumaba si Thor, kinuha ang tali ni Lennin at dinala sa mga tagpagalaga upang pakainin at makapagpahinga. Tumayo lamang doon si Thor hanggang sa lumingon muli sa huling pagkakataon si Erec.

Sa kanilang pamamaalam, marami pa siyang gustong sabihin kay Erec. Gusto niya itong pasalamatan. At gusto din niya sabihin ang lahat. Ang pangitain. Ang kanyang panaginip. Ang kanyang takot para sa hari. Naisip niya na baka maintindihan siya ni Erec.

Ngunit hindi niya ito magawa. Ngunit napapalibutan na si Erec ng mga mandirgma, at natatakot si Erec-na sa kanilang lahat-na isipin nitong nababiw na siya. Kaya nakatayo lamang ito, natahimik, habang muli siyang tinapik sa balikat ni Erec

"Protektahan mo ang hari." Ang sabi ni Erec

Kinilabutan si Thor sa mga sinabi ni Erec, na parang nababasa nito ang isipan niya.

Tumalikod si Erec, pumasok sa loob ng gusali kasama ang ibang mandirigma, at sa kanilang pagdaan, unti unting nagsara ang lagusan sa harap niya.

Wala na si Erec. Nakaramdam ng sakit sa sikmura si Thor. Isang buong taon pa bago muli silang magkita.

Sumakay si Thor sa kabayo, hinawakan ang lubid at sumipa ng malaks. Mayroon na lamang siyang kalahating araw upang makabalik para sa handaan. Naramdaman niya ang mga huling salita ni Erec at pinaulit ulit sa kanyang isip na parang mantra.

Protektahan ang hari.

Protektahan ang hari.

Возрастное ограничение:
16+
Дата выхода на Литрес:
09 сентября 2019
Объем:
294 стр. 8 иллюстраций
ISBN:
9781632912503
Правообладатель:
Lukeman Literary Management Ltd
Формат скачивания:
epub, fb2, fb3, ios.epub, pdf, txt, zip

С этой книгой читают