Читать книгу: «Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani », страница 15

Шрифт:

IKADALAWAMPUT LIMANG KABANATA

Magisang naglalakad si Gwen pabalik ng kastilyo. Umaakyat at bumaba, lumiliko at umiikot. Wala siyang ibang inisip kung hindi si Thor. Ang kanang paglalakad. Ang kanilang halik. At ang ahas.

Napuno siya ng ibat ibang emosyon. Sa kabilang banda, ninanais niyang makasama si Thor; sa kabila naman ay ang takot na hatid ng ahas, ang simbolo ng kamatayan. Ngunit hindi niya alam kung para ito kanino, at hindi niya ito maalis sa kanyang isip. Natatakot siya kung ito ay para sa isa sa kanyang pamilya. Para ba sa isa sa kanyang mga kapatid? Godfrey? Kendrick? Ang kanyang ina? O kaya naman ay kanyang ama na nagpanginig sa kanya habang iniisip ito.

Ang pagkakita niya sa ahas na iyon ay naging isang anino na tumaklob sa masaya niyang araw. At masira ang kanilang masayang araw. Mahirap na itong ibalik pa. Sabay silang umalis pabalik ng kastilyo ngunit sila ay naghiwalay pagkalabas ng kagubatan, upang walang makakita. Ang huling bagay na gusto niyang mangyari ay ang mahuli sila ng kanyang ina. Ngunit hindi niya basta basta isusuko si Thor at gagawa siya ng paraan upang ipaglaban ito sa kanyang ina; kailangan niya ng panahon upang magisip.

Nasasaktan siyang isipin na malalayo siya kay Thor. Tatanungin sana niya ito kung magkikita pa sila, at magtatakda ng plano sa ibang araw. Ngunit magulo ang isip niya, dahil sa pagkakita niya sa ahas, kaya nakalimutan na niya ito. Ngayon ay nagaalala siya kung iisipin ni Thor na wala siyang pakialam sa kanya.

Sa sandali na nakaraying siya sa loob ng kastilyo, nilapitan siya ng mga tauhan ng hari. Mabilis ang naging tibok ng puso ni Gwen habang paakyat sa hagdanan, at nagiisip kung bakit siya gustong makita ng ama. May nakakita ba sa kanila ni Thor? Wala ng ibang rason upang biglaan siyang kausapin ng kanyang ama. Siya din ba ay pagbabawalan siyang makipagkita kay Thor? Hindi niya maisip na mangyayari iyon dahil palagi itong nasa panig niya.

Nang marating ni Gwen ang itaas ng hagdan ay halos hindi siya makahinga. Agad niyang lumakad at nilampasan ang nga kawal na agad binuksan ang pintuan papasok sa silid ng ama. Dalawa pang mga alipin ang nasa loob at agad yumuko sa kanyang pagdating.

"Iwanan niyo kami." Ang sabi ng kanyang ama.

Agad lumabas ang mga alipin sa silid at iniwan ang magama.

Agad tumindig ang ama mula sa pagkakaupo, may malaking ngiti sa kanyang mukha at naglakad palapit sa kanya. Gumaan ang pakiramdam ni Gwen, tulad ng dati, tuwing makikita ang ama. Nakampante din siya ng walang bahid ng galit sa mukha nito.

"Aking Gwendolyn." Sabi nito.

Niyakap nito ng mahigpit ang anak. Niyakap din ito ni Gwen. Sumenyas ang hari sa dalawang upuan na nasa harapan ng tsimineya. Ilang malalaking aso, karamihan sa mga ito ay kinalakihan na ni Gwen, ang sumalubong sa kanila habang papalapit sa mga upuan. Dalawa sa mga aso ay sinundan siya at ipinatong ang mga ulo sa kandungan niya. Nagalak siya sa apoy: naging malamig ang panahon nitong mga nakaraang mga araw.

Lumapit ang ama sa naliliyab na apoy at tinitigan lamang ito.

"Alam mo ba kung bakit kita pinatawag dito?" Ang sabi ng ama

Tiningnan ni Gwen ang mukha ng ama ngunit hindi niya ito mabasa.

"Hindi po, ama."

Napatingin ito sa gulat.

"Ang naging paguusap natin noong nakaraang araw. Kasama ng iyong mga kapatid. Tungkol sa trono. Iyon ang gusto kong pagusapan natin."

Napahinga ng maluwag si Gwen. Hindi ito tungkol kay Thor. Tungkol ito sa pulitika na wala siyang gaanong pakialam.

"Mukhang nakahinga ka na ng maluwag," sabi ng ama. "Ano ba ang akala mong paguusapan natin?"

Mausisa ang kanyang ama. Isa siya sa mga iilang mga tao na kaya siyang basahin na oarang libro. Kaya kailangna niyang magingat sa kanya.

"Wala po ama." Agad na sagot ni Gwen.

Ngumiti lamang ito.

"Kung gayon, sabihin mo sa akin. Anong masasabi mo sa aking desisyon?"

"Desisyon?",tanong ni Gwen

"Sa aking tagapagmana! Ng Kaharian!"

"Ako po?" Tanong ulit ni Gwen

"Sino pa ba?" Patawang sagot ng ama.

Namula lamang si Gwen.

"Ama, nagulat po ako. Hindi po ako ang panganay. At isa akong babae. Wala akong nalalaman sa pulitika. At wala akong pakialam sa kanila o sa pamumuno ng kaharian. Wala po akong ambisyon sa pulitika. Hindi ko po alam kung bakit ako anh pinili ninyo."

"Iyon ay dahil mismo sa mga sinabi mo." Ang seryosong sagot ng ama. "Dahil sa hindi mo ninais na mapunya sa iyo ang trono. Hindi mo ninais ang maging hari o reyna. At wala kang alam sa pulitika."

Huminga ng malalim si MacGil.

"Ngunit alam mo ang sangkatauhan. Mausisa ka. Nakuha mo iyon sa ako. Nakuha mo din ang katalinuhan ng iyong ina at ang aking katangian sa tao. Alam mo kung paano sila husgahan; naiintindihan mo sila. At iyon ang kailangan sa isang hari. Ang makilala ang mga tao. Wala ka nang iba pang kailangan. Ang iba ay naaral. Kilalanin mo kung sino ang mga tao. Initindihin mo sila. Magtiwala ka sa nararamdaman mo. Maging mabuti ka sa kanila. Yun lamang."

"Siyempre may mas malalim pang kahulugan nag pagiging hari maliban sa inyong mga sinabi." Ang tugon ni Gwen.

"Hindi naman sa ganon."ang sabi ng ama. "Nagmumula doon ang lahat. Nagmumula ang mga desisyon sa mga bagay na iyon."

"Ngunit ama. Nakakalimutan niyo po na , una, wala po akong pagnanais na mamuno, pangalawa, hindi ka mamamatay. Lahat ito ay isa lamang walang kahulugan na mga tradisyon dahil sa kasal ng iyong nakatatandang anak. Bakit kailangan natin pagusapan ito? Mas nanaisin ko pong hindi ito pagusapan o isipin man lamang. Umaasa ako na hindi dadating ang araw na mawawala ka. Kaya ang lahat ng ito ay walang kahulugan."

Natahimik lamang ang kanyang ama.

"Nakausap ko si Argon at nakita niya ang madilim kong hinaharap. Naramdaman ko na din iyon. Kaya kailangan kong maghanda." Sabi ng ama.

Naramdaman ni Gwen ang pamimilipit ng kanyang bituka.

"Si Argon ay isang kalokohan. Isang salamangkero. Kalahati ng kanyang mga sinasabi ay hindi nagkakatotoo. Huwag mo siyang pansinin. Huwag kang maniwala sa mga walang saysay na mga pangitain. Magiging maayos ka. Mabubuhay ka magpakailanman."

Ngunit dahan dahang umiling ang kanyang ama at nakikita niya ang lungkot sa kanyang mga mukha at mas lalo niyang naramdaman ang pagpilipit ng kanyang bituka.

"Gwendolyn, aking anak. Mahal kita. Kailangan kitang maging handa. Kailangan kita upang sumunod na mamuno ng kaharian. Seryoso ako sa mga sinasabi ko. Hindi ito isang pakiusap. Isa itong utos."

Tinitigan ng ama ang kanyang anak, nandidilim ang mga mata nito at ikinatakot ito ni Gwen. Ngayon lamang niya nakita ang mukha na iyon ng ama.

Naramdaman niya ang kanyang mga mata at pinahid ang mga luha sa mata nito.

"Patawad kung napasama ko ang iyong kalooban."

"Kung gayon, ay itigil mo na ang pagsasabi ng ganon." Umiiyak na sabi ni Gwen. "Ayaw kitang mamatay."

"Patawad ngunit hindi ko iyon magagawa. Kailangan ko ang sagot mo."

"Ama, ayaw ko kayong insultuhin."

"Kung gayon ay pumayag ka."

"Ngunit paano ako mamumuno?"

"Hindi iyon kasing hirao tulad ng naiisip mo. Mapapalibutan ka ng mga tagapayo. At ang una mong dapat tandaan ay huwag kang magtitiwala sa kahit isa sa kanila. Magtiwala ka sa sarili mo. Kaya mo ito. Ang kawalan mo ng sapat na kaalaman at ang iyong kawalan ng muwang ang magpapagiting sa iyo. Magkakaroon ka ng mga totoong mga desisyon. Mangako ka sa akin." Pagpupumilit nito.

Tumingin si Gwen sa mata ng ama at nakita kung gaano kahalaga ang bagay na ito kanya. Gusto niyang umalis sa usapan na ito at malihis sa isipin ng ama ang masasamang mha bagay at pasayahin ito.

"Opo. Nangangako ako." Sabi ni Gwen. "Gumaan na ba ang inyong pakiramdam."

Napasandal ito at nakita ni Gwen na gumaan ang pakiramdam nito.

"Oo." Sagot nito. "Salamat!"

"Mabuti. Pwede na ba tayong magusap ng ibang bagay? Mga bagay na mas maaaring mangyari?" Tanong ni Gwen.

Napasandal muli ang ama at napatawa; mas magaan na ng ilang milyong tonelada ang pakiramdam nito.

"Kaya mahal na mahal kita." Sabi ng ama. "Palaging masaya. Palagi mo akong napapatawa."

Inaral ng hari ang mukha ng anak at pakiramdam ni Gwen ay may nakikita ito sa kanya.

"Mukhang kakaiba ang saya mo ngayon." Sabi nito. "May lalaki ba sa larawan?"

Namula si Gwen. Tumayo si Gwen at tumitig sa labas ng bintana.

"Patawan ama. Ngunit ang mga bagay na iyan ay pribado."

"Hindi iyon magihing pribado kung ikaw ang mamumuno ng kaharian." Sabi ng ama. "Ngunit hindi na ako magpupumilit. Subalit, ang iyong ina ay humiling ng iyong magiging tagabantay at hindi niya iyon palalampasin. Hinayaan ko na lamang. Ngunit maghanda ka."

Muling namilipit ang kanyang bituka, tumingin ito sa labas ng bintana. Kinamumuhian niya ang lugar na ito. Pinapanalangin niya na sana ay nasa ibang lugar siya. Sa isang simpleng nayon, sa isang simpleng bukid, namumuhay ng simple kasama si Thor. Malayo sa lahat ng ito. Malayo sa lahat ng mga pwersa na kumokontrol sa kanya.

Nakaramdam siya ng kamay sa balikat nito at nakita ang kanyang ama na nakatindig sa kanyang likuran. Nakangiti.

"Minsan ay nagihing mahigpit ang iyong ina. Ngunit kung ano man ang kanyang maging desisyon, tandaan mo na sa iyo ako papanig. Sa usaping pagibig, naniniwala ako na ang bawat isa ay may karapatang mamimili ng malaya."

Niyakap ni Gwen ang ama. Sa oras na iyon, mahal na mahal niya ang ama ng higit pa sa kahit ano. Pinipilit niyang kalimutan ang ahas, nagdadasal na sanay ay hindi iyon para sa kanyang ama.

*

Nagpaikot ikot muli si Gwen sa pasikot sikot ng kastilyo papunta sa silid ng ina. Hindi niya gusto kapag pinapatawag siya ng ina, at ang pagkonkontrol nito sa kanyang buhay. Sa madaming paraan, ang kanyang ina talaga ang namumuno sa kaharian. Mas malakas siya sa kanyang ama sa maraming bagay, mas may paninindigan at hindi madaling mapaniwala. Siyempre, walang alam ang kaharian; tinataasan na lamang ng kanyang ama ang mukha nito upang siya ang magmukhang matalino.

Ngunit kapag bumalik na ang ama sa kastilyo, sa likod ng mga pintuan nito, sa kanyang ina ito humihingi ng payo. Ang reyna ang siyang matalino. Ang mas malamig sa mga tao. Ang mas malalim magisip. Ang mga matigas. Ang mas matapang. Siya ang bato. At pinamunuan niya ang kanilang malkaing pamilya gamit ang matigas na kamao nito. Kung may gugustuhin siya, lalo na kung nakita niya na makakabuti ito sa kanyang pamilya, sisiguraduhin niya na mangyayari ito.

At ngayon, ang atensyon ng kanyang ina ay napunta sa kanya; hinahanda na niya ang sarili para sa kumprontasyon. Pakiramdam niya ay may kinalaman ito sa kanyang buhay pagibig at kinatatakutan niya na baka may nakakita sa kanya kasama si Thor. Ngunit desidido siya na hindi siya susuko-kahit anong mangyari. Kung kinakailangan niyang umalis sa lugar na ito, gagawin niya. Wala siyang pakialam kung ikukulong man siya ng ina.

Habang papalapit si Gwen sa silid ng ina. Agad itong binuksan ng dalawang alipin nito at agad lumabas pagkapasok niya.

Mas maliit lamang ang silid ng ina kumpara sa kanyang ama, may mga maliliit na mga tasa ng tsaa sa tabi ng tsiminiya, at ilang mga magagarang dilaw na mga upuan. Nakaupo sa isa sa mga upuan ang kanyang ina, nakatalikod kay Gwen kahit na inaasahan na siya nito. Nakaharao ito sa apoy habang humihigop ng tsaa. Sa likod nito ay dalawang alalay. Isa ay inaayos ang kanyang buhok habang ang isa ay tintali ang laso sa likod ng kanyang damit.

"Halika, anak!" Ang sabi ng ina.

Hindi gusto ni Gwen kapag ginagawa ito sa kanya ng ina-ang pagsabihan siya sa harap ng mga alalay. Sana ay paalisin na niya ang mga ito, tulad ng ginagawa ng kanyang ama. Ito na lamang ang maaari niyang gawin para sa pribadong buhay niya. Ngunit hindi ito kailanman ginawa ng ina. Marahil ay paraan ito ng ina upang mapahiya si Gwen sa haral ng mga alipin.

Wala nang nagawa si Gwen kung hindi ang umupo sa tabi ng ina, masyadong malapit sa apoy. Isa nanaman sa mga paraan ng ina, ang painitin ang sino mang kanyang kakausapin.

Hindi siya tiningnan ng ina, sa halip, ay nagpatuloy ito sa paglalaro ng kanyang libangan. Isang ”board game”.

"Ikaw na ang titira." Ang sabi ng ina.

Tumungin ai Gwen sa laro at hindi siya makapaniwala na patuloy pa din ang kanyang ina sa paglalaro nito. Natandaan niya na sa kanya ang mga itim na piraso ngunit matagal na silang hindi nakakapaglaro ng ina. Ang kanyang ina ay eksperto sa paglalaro ng “Pawns”-ngunit mas magaling si Gwen. Hindi gusto ng kanyang ina ang natatalo at malinaw na inaral niya ang laro na ito, umaasa sa isang perpektong tira. At ngayon na naririto na si Gwen, sinimulan niya ulit ang laro.

Hindi tulad ng ina, hindi na kailangan ni Gwen na aralin ang laro. Sa isang tingin ay alam na agad niya ang perkpektong tira. Iniangat niya ang isa sa mga itim na piraso, dinala sa kabilang bahagi ng laruan. Binigyan niya ang ina ng isa pang galaw bago matalo.

Tumitig lamang sa laro ang ina, wala itong reaksyon maliban sa pagtaas ng kanyang kilay na nangangahulugan ng pagkadismaya. Mas matalino si Gwen at hindi iyon matanggap ng ina.

Nagsimulang magsalita ang kanyang ina, habang nakatuon pa din sa laro at hindi tumitingin sa kanya.

"Alam ko lahat ng ginagawa mo kasama ang lalaking iyon," ang sabi nito. "Sinuway mo ako." Biglang tumingin ito sa kanya. "bakit?"

Huminga ng malalim si Gwen, namilipit ang bituka, habang iniisip ang kanyang isasagot. Hindi na siya bibigay tulad ng dati. Hindi ngayon.

"Wala kang kinalaman sa pribado kong buhay." Sagot ni Gwen.

"Hindi ba? Malaki ang kinalaman ko doon. Ang mga ginagawa mo ngayon ay makakaapekto lamang sa iyong pamumuno. Sa tadhana ng pamilyang ito. Sa bilog na kalupaan. Ang buhay mo ay pulitikal, kahit anong pilit mo itong kalimutan. Hindi ka isang ordinaryong tao. Walang anuman ang pribado sa buhay. At walang anuman ang pribado sa akin."

Malamig ang boses ng ina at kinamumuhian ni Gwen ang bawat pagbisita niya dito. Walang ibang magagawa si Gwen kung hindi ang maupo at maghintay na matapos ang ina. Nakakulong siya.

Sa wakas, muling nagsalita ang ina.

"Dahil sumusuway ka sa mga iniuutos ko, ako na ang gagawa ng desisyon para sa iyo. Hindi ka na magpapakita sa lalaking iyon kahit kailan. Kung hindi, ipapatanggal ko siya sa Legion, ipapatapon palabas ng korte ng hari, pabalik sa kanilang nayon. Pababagsakin ko ang kaniyang buong pamilya. Ipagtatabuyan siya. At hindi mo na siya muling makikilala."

Tinitigan siya ng kanyang ina habang naginginig ang boses nito sa galit.

"Naiintindihan mo ba?"

Napabilis ang paghinga ni Gwen habang napagtanto niya kung gaano kasama ang ina. Kung ano ang kaya nitong gawin. Kinamumuhian niya ito ng higit pa sa sinasabi niya. Nakita din ni Gwen ang mga tinginan ng mga alipin. Ikinahihiya niya ito.

Bago pa siya makasagot, nagpatuloy ang ina.

"At para maiwasan na ang mga pinaggagagawa mo, gumawa na ako ng paraan para ayusin ang iyong pakikipagbuklod. Magpapakasal ka kay Alton sa unang araw ng susunod na buwan. Maaari mo ng simulan ang paghahanda sa iyong kasal. Maghanda sa buhay may asawa. Iyon lamang." Ang sabi ng ina, bago tumingin muli sa kanyang paglalaro na parang kakatapos lamang nitong magsabi ng isang normal na bagay.

Naginit ang buong katawan ni Gwen at gusto niyang sumigaw.

"Anong karapatan mo?" Ang galit na sabi ni Gwen. "Tingin mo ba ay isa akong manika na may tali na maaari mong paglaruan? Sa tingin mo ba ay papayag akong magpakasal sa tao na gusto mo?"

"Hindi sa tingin ko." Sagot nito. "Alam ko. Anak kita at susunod ka sa akin. At magpapakasal ka sa kung sinong sasabihin ko."

"Hindi ako papayag." Sigaw ni Gwen. "Hindi mo ako mapipilit. Ang sabi ni ama hindi mo ako mapipilit."

"Karapatan ng bawat magulang sa kaharian na ito na ipagkasundo ang kanilang mga anak-at karapatan iyon lalo ng hari at reyna. Hindi papayag ang iyong ama pero alam mo tulad ko na susunod lamang sa akin ang iyong ama. May paraan ako."

Nanlaki ang mata ng kanyang ina.

"Kaya gagawin mo ang sasabihin ko. Mangyayari ang kasal mo. At walang makakapigil dito. Maghanda ka na."

"Hindi ko gagawin iyon" sagot ni Gwen. "Hindi. At kapag kinausap mo pa ako tungkol dito, hinding hindi na kita kakausapin pa."

Tiningnan siya ng ina at nginitian.

"Wala akong pakialam kung hindi mo na ako kakausapin. Ako ang iyong ina, hindi isang kaibigan. At ako ang iyong reyna. At ito marahil ang huli nating paguusap. Ngunit hindi iyon mahalaga. Sa huli, gagawin mo pa din ang gusto ko. At papanuorin lamamg kita sa malayo habang nabubuhay ng naaayon sa plano ko."

Muling bumalik ang kanyang ina sa paglalaro.

"Makakaalis ka na. " ang sabi nito na animoy isang alipin si Gwen.

Kumukulo sa galit ang dugo ni Gwen. Hindi na niya kaya. Tumayo ito at inihagis ang “board game”ng ina. Tumilapon ang mga piraso nito at nabasag sa pagbagsak aa sahig.

Napatalon sa gulat ang ina.

"Kinamumuhian kita." Ang sabi ni Gwen.

Namumulang tumalikod si Gwen at agad lumabas ng silid at binangga ang mga kawal. Determinado siya na hindi na niya kailanman gustong makita ang ina.

IKADALAWAMPUT ANIM NA KABANATA

Ilang oras na naglakad si Thor sa gitna ng kagubatan habang iniisip ang engkwentro niya kay Gwen. Hindi niya ito maalis sa kanyang isip. Makulay ang kanilang oras na pinagsamahan, higit pa sa kanyang mga inaasahan at hindi na rin siya nagaalala tungkol sa tunay nararamdaman nito para sa kanya. Isa iyong perpektong araw, maliban na lamang sa nangyari noong huli ng kanilang pagsasama.

Ang puting ahas na isang napakasamang palatandaan. Mabuti na lamang at hindi sila nakagat. Tiningnan ni Thor si Krohn, habang naglalakad sa kanyang tabi, masaya at kanyang naisip kung ano ang nagyari sa kanila kung wala doon si Krohn, at hindi nito pinatay ang ahas at sinagip ang buhay nila. Patay na kaya sila ngayon? Malaki ang pasasalamat ni Thor kay Krohn at alam niyang nakahanap na siya ng pangmatagalang makakasama.

Ngunit nagaalala pa din siya sa ahas na isang pangitain. Bihira lamang ito at hindi matatapuan sa bahagi na iyon ng kaharian. Nakatira ang mga ito sa timog na bahagi, sa mga lati. Paano ito makakarating ng ganito kalayo? Bakit ito dumating sa kanila sa oras na iyon? Misteryoso ang mga pangyayari at sigurado siya na isa itong palatandaan. Tulad ni Gwen, pakiramdam niya ay isa itong masamang palatandaan, tagapaghatid ng kamatayan na paparating. Ngunit sino?

Gustong kalimutan ni Thor ang imahe na iyon, ang magisip ng ibang bagay-ngunit hindi niya kaya. Bumalot ito sa kanya. Alam niyang kailangan na niyang bumalik, ngunit hindi niya magawa. Araw pa rin ito ng kanilang pahinga kaya naglakad lakad muna siya, umikot sa kagubata at nililinaw ang kanyang isipan. Pakiramdam niya ay may malalim na mensahe ang ahas para sa kanya, at kailangan niya kumilos.

Ang mas malala pa dito, ang paghihiwalay nila ni Gwen ay hindi naging maayos. Nang marating nila ang dulo ng kagubatan, agad silang naghiwalay nang walang sinasabi na kahit anong salita. Nababagabag si Gwen. Marahil ay dahil ito sa ahas ngunit hindi siya sigurado. Wala nang nabanghit si Gwen tungkol sa susunod nilang pagkikita. Nagbago kaya ang isip nito tungkol sa kanya? May nagawa ba siyang mali?

Nasasakta si Thor kapag iniisip niya iyon. Hindi niya alam ang gagawin sa sarili kaya naglibot libot siya sa loob ng ilang oras. Kailangan niyang kumausap ng tao na naiintindiham ang mga bagay na ito, na magbibigay ng kahulugan sa mga palatandaan.

Biglang huminto si Thor. Siyempre. Si Argon. Siya ang taong kailangan niya. Kaya nitong ipaliwanag ang lahat pata magbigay ng katahimikan sa isip ni Thor.

Tumingin sa paligid si Thor. Nakatindig siya sa hilagang bahagi ng pinakamalayong burol at nakikita niya ang buong kaharian sa kanyang ilalim. Alam niyang magisa na nakatira si Argon sa isang bahay na bato sa hilagang bahagi ng “Boulder Plains”. Alam niya na kung kakaliwa siya, palayo sa siyudad, isa sa mga daan ang patungo doon. Sinimulan niya ang kanyang Pakikipagsapalaran.

Mahaba ang kanyang magiging Pakikipagsapalaran at may posibilidad na pagdating niya doon ay wala si Argon. Ngunit kailangan niyang subukan. Hindi siya matatahimik hanggang sa magkaroon siya ng kasagutan.

Naglakad ng naglakad si Thor, dinoble niya ang kanyang bilis. Ang umaga ay naging hapon, sa kanyang paglalakad. Isa iyong magandang araw at naliliwanagan ng araw ang malawak na mga palayan. Masayang nakasunod sa kanya si Krohn, tumitigil ito uoa g manghuli ng mga maliliit na hayop, na bitbit nito sa kanyang bunganga.

Ang daanan ay kumitid, may naging mahangin at unti unting nawala ang mgagandang tanawin. Pumalit ang kalupaan na napupuno ng mga bato. At makalipas ng ilang sandali, ay nawala na ang daanan. Mas lalo pang lumamig at lumakas ang hangin. Walang ibang makikita kung hindi ang mga bato at putik. Pakiramdam ni Thor ay siya ay naglalakbay sa isang patapon na mundo. Nang mawala nang tuluyan ang daanan, naglakad si Thor sa mga bato.

Sa tabi nito, nagsimulang umungol si Krohn. May nakakakilabot na pakiramdam sa hangin at naramdaman din ito ni Krohn. Hindi ito masama, ngunit kakaiba. Parang isang mabigat na hamog.

Habang iniisip ni Thor papunta ba siya sa tamang daan, natanaw niya mula sa malayo ang isang bahay na bato. Hugis bilog ito at gawa sa itim at matigas na bato. Wala itong mga bintana, isa lamang pintuan na walang hawakan. Kaya ba talagang manirahan ni Argon sa lugar na ito? Magagalit ba ito na nagpunta siya ng walang paalam?

Nagsimulang magdalawang isip si Thor, ngunit pinilit pa din niyang manatili sa paglalakad. Habang papalapit sa pintuan, naramdaman niya ang kakaibang enerhiya sa hangin. Nahirapan siyang huminga. Mabilis na tumibok ang kanyang puso sa kanyang pagkatok.

Bago pa man niya mahawakan ang pinto, bumukas ito ng kusa. Madilim sa loob at hindi alam ni Thor kung hangin lamang ang nagtulak sa pinto. Matindi ang dilim sa loob at hindi niya maisip kung paano may titira dito.

Itinulak ni Thor ang pinto at sumilip sa loob.

"Tao po?" Sigaw ni Thor

Binuksan na ng tuluyan ni Thor ang pintuan.

"Tao po?" Mas nilakasan ni Thor ang pagsigaw. "Argon?"

Sa tabi niya, muling umungol sa Krohn. Biglang naisip na Thor na isa itong masamang ideya, na wala si Argon sa bahay nito. Ngunit may tumulak pa din sa kanya na magmasid. Humakbang siya papaloob at biglang nagsara ang pinto sa likod nito.

Umikot si Thor at kanyang nakita si Argon.

"Patawarin mo ako sa aking pangaabala." Sabi ni Thor habang kumakabog ang kanyamg dibdib

"Pumunta ka ng walang paalam," sabi ni Argon

"Patawad." Ang sagot ni Thor. "Hindi ko po sinasadya na manghimasok."

Lumingon si Thor sa paligis at nakita niya ang ilang nakasinding kandila sa kabilang dulo ng bahay. Ang tanging liwanag sa bahay ay nagmumula sa isang maliit na butas sa kisame ng bahay.

"Iilang tao pa lamang ang nakarating dito." Sagot ni Argon. "Siyempre hindi ka makakarating dito kung hindi kita hinayaan. Ang pintuan na iyan ay hindi magbubukas nang hindi ko sinasabi. Walang kahit anong lakas ang makakapagbukas dito."

Gumaan ang pakiramdam ni Thor at napaisip siya kung paano nalaman ni Argon na siya ay paparating. Lahat ng bagay tungokol sa lalaking ito ay napakamisteryoso.

"Nagkaroon ako engkwentro na hindi ko maintindihan." Ang sabi ni Thor, na nangangailangan makakuha ng kasagutan. "May ahas. Isang puting ahas. Muntikan na nito kaming atakihin. Iniligtas lamang kami ng aking leopard, si Krohn."

"Kami?" Tanong ni Argon

Namula si Thor at napagtanto na masyado siyang maraming nasabi. Hindi niya alam ang sasabihin.

"Hindi ako magisa." Sabi niya

"At sinong kasama mo?"

Kinagat ni Thor ang dila, hindi alam kung ano pang sasabihin. Lalo na at malapit siya sa ama ni Gwen, ang hari at marahil ay sasabihin niya ito sa kanya.

"Hindi ko makita ang halaga nito sa ahas."

"Mahalaga iyon. Hindi mo ba naisip na baka siya ang dahilan kung bakit dumating ang ahas?"

Natahimik si Thor.

"Hindi ko maintindihan." Sabi niya

"Hindi lahat ng pangitain na nakikita mo ay para sa iyo. Maaaring para ito sa iba."

Sinuri ni Thor ang mukha ni Argon sa maliit na liwanag, at unti unti niyang naintindihan. Nakatakda ba si Gwen para sa isang masamang bagay? At kung oo, mapipigil niya ba ito?

"Pwede bang baguhin ang tadhana?" Tanong ni Thor.

Nagsimulang maglakad si Argo sa loob ng bahay

"Oo naman. Ilang henerasyon na nating itinatanong iyan," sagot ni Argon. "Mababago ba amg tadhana? Sa kabilang banda, lahat ay nakatadhana. Nakasulat na. Ngunit sa kabila naman ay may kalayaan tayong mamili. Ang mga desisyon natin ang nagiging basehan ng ating tadhana. Mukhang iposible para sa dalawa na ito-ang tadhana at kalayaan- ang magsama, pero iyon ang nagyayari. Dito nagtatagpo ang dalawa, kung saan nagkikita ang tadhana at kalayaan- at pumapasok ang mga ginagawa ng tao. Hindi mo palaging masisira ang tadhana, ngunit maaari mo itong baliin o baguhin, sa pamamagitan ng pagsasakripisyo at matinding kagustuhan. Ngunit., kadalasan, matibay ang tadhana. Kadalasan, naghihintay na lamang tayo sa mga mangyayari. Akala natin ay bahagi tayo sa pagkakabuo nito pero kadalasan ay hindi. Tagapagmasid lamang tayo, hindi mga kalahok."

"Kung gayon, bakit pa nagpapakita ang sanlibutan ng mga pangitain o palatandaan, kung wala naman na pala tayong magagawa para pigilan o baguhin ito." Tanong ni Thor

Napangiti si Argon.

"Mabilis kang magisip bata. Pinapakita sa atin ang mga pangitain para ihanda natin ang ating mga sarili. Pinapakita ang ating tadhana upang bigyan tayo ng oras para maghanda. Minsan naman, ay para hayaan tayong kumilos para baguhin ang nakatakda na. Ngunit bihira lamang ito "

"Totoo ba na ang puting ahas ay nagpapakita ng kamatayan?"

Tinitigan siya ni Argon.

"Oo. " sagot niya. "Walang mintis."

Bumilis ang kabog ng kanyang dibdib sa kanyang narinig na kumpirmasyon ng kanyang kinatatakutan. Nabigla din siya sa mabilis na pagsagot bi Argon.

"Nakakita ako ng isa ngayon." Sabi ni Thor. "Ngunit hindi ko alam kung sino ang mamamatay. O kung may maaari akong magawa upang mapigilan ito. Gusto kong alisin ito sa aking isipan,ngunit hindi ko magawa. Lagi kong nakikita ang imahe ng ahas, bakit?"

Sinuri siyang muli ni Argon ng matagal at napahinga ng malalim.

"Dahil kung sino man ang mamamatay, direkta kang maaapektuhan. Maaaapektuhan ang iyong tadhana."

Nawawalan na ng pasensya si Thor. Sa bawat sagot, ay nagbubunga pa ng mas madaming tanong.

"Ngunit hindi patas."sabi ni Thor. "Kailangan kong malaman kung sino ang mamamatay. Kailangan ko siyang mabalaan."

Dahan dahang umiling si Argon.

"Hindi iyon para sa iyo para malaman mo." Sagot nito. "At kung malaman mo man ito, baka wala ka ding magagawa. Hinahanap ng kamatayan ang kanyang biktima-kahit na nabalaan na sila."

"Kung gayon, bakit pa iyon ipinakita sa akin?" Tanong ni Thor. "At bakit hindi ko iyon maalis sa isip ko?"

Lumapit si Argon, ilang talampakan ang layo sa mukha ni Thor, kinilabutan si Thor. Nakatitig sa kanya ang mga mata nito. Para siyang nakatitig sa araw at wala siyang nagawa kung hindi ang lumihis ng tingin. Itinaas ni Argon ang kamay at ipinatong sa balikat ni Thor. Malamig ang kanyang kamay at nagdulot ito ng kilabot sa kanyang katawan.

"Bata ka pa," ang sabi ni Argon. "Natututo ka pa lamang. Masyado mong pagisipan ang mga bagay bagay. Isang gantimpala ang makita nag hinaharap. Ngunit isa din itong sumpa. Karamihan sa mga tao na namumuhay sa kanilang tadhana ay walang nalalaman. Ang pinakamahirap sa lahat ay ang malaman ang iyong tadhana, kung anong kahihinatnan nito. Hindi ka pa nagsisimulang maintindihan ang iyong kapangyarihan. Pero dadating ka din doon. Balang araw. Sa oras na malaman mo ang iyong pinanggalingan. "

"Saan ako nanggaling?" Nalilitong tanong ni Thor

"Sa tirahan ng iyong ina. Malayo dito. Sa kabila ng sanggalang, sa kabila ng kabihasnan. Mayroong kastilyo na kasing taas ng kalangitan. Nakatayo ito sa taas ng isang burol at upang makarating doon, kinakailangan mong dumaan sa makitid na batong daan. Isa itong makapangyarihang daanan na animoy dadalhin ka sa langit. Isa itong lugar ng matinding kapangyarihan. Doon ka nagmula. Hanggang sa hindi mo pa marating ang lugar na iyon, hindi mo maiintindihan. Ngunit sa oras na magawa mo ito, lahat ng katanungan mo ay masasagot."

Napakurap si Thor at sa pagmulat ng kanyang mata, nagulat siya, nang makita ang sarili sa labas ng bahay ni Argon. Hindi niya alam kung paano siya nakarating doon.

Tumambad kay Thor ay matinding sikat ng araw at sa kanyang tabi ay Krohn na umuungol.

Sinubukan ni Thor buksan muli ang pinto ni Argon ngunit walang nangyari.

"Argon!" Ang sigaw ni Thor

Sinagot lamamg siya ng umiihip na hangin

Sinubukan niyang buksan ang pinto ng buong lakas, ngunit walang nangyari.

Naghintay si Thor ng matagal-hindi niya alam kung gaano katagal-hanggang sa nagsimula ng lumubog ang araw. Hanggang sa mapagtanto niya na ang oras niya dito ay tapos na.

Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad pabalik sa mabatong daanan habang nagiisip. Mas lalo siyang napuno ng mga katanungan at mas nasisiguro na niya na may paparating na kamatayan at wala siya magagawa dito.

Sa kanyang Pakikipagsapalaran, nakaramdam siya ng kakaibang lamig sa kanyang laa at nakita ang makapal na usok. Kumakapal ito at tumataas habang tumatagal. Hindi maintindihan ni Thor ang nangyayari. Umuungol sa kanyang tabi si Krohn.

Sinubukan ni Thor na bilisan ang kanyang paglakad, at ipagpatuloy ang kanyang pagbalik sa kabundukan, ngunit ilang sandali ay mas kumapal ang usok, hindi niya masyado makita ang paligid. Pagkatapos ay bumigat ang kanyang mga paa, na animoy may matinding kapangyarihan, at dumilim ang kalangitan. Nagsimula siyang makaramdam ng matinding pagod. Hindi na niya kayang humakbang pa. Namaluktot siya sa lupa, kung saan siya nakatayo, nabalutan ng makapal na usok. Sinubukan niya imulat ang mata, na makagalaw ngunit hindi niya kaya. Makailang sandali, nakatulog na siya.

*

Nakita ni Thor ang kanyang sarili na natayo sa tuktok ng isang bundok, natingin sa buong kaharian ng bilog na kalupaan. Sa harap niya ay ang korte ng hari, ang kastilyo, ang mga gusali, ang mga hardin, mga puno, at mga burol na nabubuhay ngayong panahon ng tagaraw. Ang mga kalupaan ay naououno ng mga prutas at makukulay na mga bulaklak at may tunog ng musika at kasiyahan.

Ngunit sa pagmamasid ni Thor sa paligid, dahan dahang naging itim ang mga halaman. Nanlaglag ang mga prutas sa mga puno. At maya maya ay naglaho din ang mga puno. Natuyo ang mga bulaklak at biglang gumuho ang mga gusali hanggang sa wala nang natira sa buong kaharian kung hindi mga bato at alikabok.

Возрастное ограничение:
16+
Дата выхода на Литрес:
09 сентября 2019
Объем:
294 стр. 8 иллюстраций
ISBN:
9781632912503
Правообладатель:
Lukeman Literary Management Ltd
Формат скачивания:
epub, fb2, fb3, ios.epub, pdf, txt, zip

С этой книгой читают